Mga mabibigat na pasahero, pwede nang tanggihan ng Angkas

Maaari nang tangghihan ng motorcycle hailing service na Angkas ang mga mabibigat na pasahero.

Base sa update ng kanilang mobile app, kailangan nang ipaalam ng pasahero ang kanilang timbang, kung saan tinatanong na ng angkas ang “weight range.”

Paliwanag ng Angkas, nakasaad sa panuntunan ng gobyerno pagdating sa motorcycle safety na tiyaking hindi maisasakay sa mga motorsiklo ang mga pasaherong hindi kakayanin nito.


Dahil dito, humihingi na ng paumanhin ang angkas pero iginiit nila na hindi sila nanghuhusga.

Facebook Comments