MGA MADALAS BAHAIN NA BAHAGI NG DAGUPAN CITY, ISA-ISANG ININSPEKSYON UPANG MABIGYAN NG KAUKULANG SOLUSYON

Tinutungo ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pangunguna ng alkalde katuwang ang ilang pang kawani ang mga madalas bahain na mga bahagi sa lungsod lalo ngayon at patuloy ang nararanasang pagbuhos ng ulan.
Kailan lamang ay sinuri ang mga drainages sa Brgy. Poblacion Oeste, maging sa Brgy. Tapuac partikular sa Sesame Street. At ang hinahandang Road Upgrade sa Callejon St. Intersection hanggang sa Rizal Extension, ang upgrading ng PCC Pavement and Drainage System sa nasabing lugar, gayundin ang pagbahang nararanasan sa lugar ng Eternal Gardens.
Ang kahabaan ng Arellano at AB Fernandez ay isa sa mga bahagi sa lungsod na nakararanas ng matinding pagbaha kahit sa konting pagbuhos ng ulan, gayundin sa pagsapit ng high tide season.

Isa sa nakikitang solusyon umano ang pagpataas ng kalsadahan at pagpapalaki ng mga drainages na kasalukuyan ang konstruksyon ngayon.
Inatasan ng alkalde ang hanay ng City Engineering Office na gumawa ng isang komprehensibong pag-aaral na titiyak sa pagdaloy ng tubig papunta mismo sa mga kailugan.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng lungsod sa Department of Public Works and Highways o DPWH kaugnay sa mga suliranin sa creek floodgates at outlets.
Samantala, patuloy na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon na Flood Mitigation Projects o mga proyektong iibsan sa pagbahang nararanasan sa Dagupan City na matagal na ring problema ng mga residente sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments