Mga madayang timbangan, winasak sa Orani public market

57

Manila, Philippines – Pinangunahan ng pamahalaang bayan ng Orani sa Bataan at ng Department of Trade and Industry ang pagwasak sa madaya at depektibong timbangan sa Orani public market.

Ayon kay DTI Bataan OIC Provincial DirectorNelin Cabahug seryoso umano sila sa pagpapatupad ng mga batas para saproteksyon ng mga consumers.

Siyamnaput pitong timbangan o defectiveweighing scales ang winasak sa harapan ng publiko bilang mensahe sa mgatiwaling market vendors na diumanoy gumagamit ng ganitong klaseng mga timbangan.

Ayon kay Tess magtanong ng DTI ang parusa samga mahuhuling nandadaya sa timbanagan ay sang ayon sa market code naipinatutupad ng bawat munisipyo.

Dagdag naman ni Cabahug na magsasagawa dinsila ng sorpresang operasyon sa iba pang public market sa iba pang bayan sa Bataan.

Facebook Comments