Otomatikong i-e-excuse sa klase ang mga mag-aaral na makikitaan ng sintomas at magpopositibo sa COVID-19, sa pagsisimula ang face-to-face classes.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Spokesman Atty. Michael Poa, ito lang ang magagawa ng DepEd dahil hindi makakapigbigay ng assistance ang kagawaran sa mga mag-aaral na mahahawaan ng COVID-19.
Dahil dito, nananawagan ang DepEd sa mga mga magulang na huwag nang papasukin ang kanilang mga anak sa oras na makitaan sila ng sintomas.
Dagdag pa ni Poa, maaari ring mag-modular o online learning ang mga mga mag-aaral na nagpositibo sa virus, depende sa kanilang kalagayan.
Samantala, maglalabas naman ang education, interior, at budget departments ng joint memorandum na nagbabawal sa paggamit ng mga paaralan bilang COVID-19 isolation at quarantine facility sa oras na bumalik na ang mga mag-aaral sa mga eskwelahan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at school personnel.