Mga mag-aaral na walang maayos na tahanan sa Navotas City, siguradong makakapag-aral

28

Inilunsad ng Navotas City Government at Department of Education (DepEd) ang Tutor a Learning Child (TLC) Program.

Ang hakbang na ito ay inilatag ng DepEd-Navotas, katuwang ang lokal na pamahalaan para matiyak na hindi mapag-iiwanan sa pasukan ang mga mag-aaral na kabilang sa mga pamilyang walang maayos na tirahan.


Sa ilalim ng programa ay hindi mapagkakaitan ng home-based learning via modular distance education ang nabanggit na mga mag-aaral.

Alinsunod sa programa ay ihahatid ang NavoSchool Box sa lugar ng pamilya at sila ay tutulungan ng isang trained para-teacher.

Ito ay maaaring isang volunteer parent, college student, government worker, youth group member, o alumni assoc. member.

Bukod dito, ipagkakaloob naman ng isang foster-educator ang iba pang pangangailangan na naturang mag-aaral.

Facebook Comments