Mga mag-aaral ng San Antonio Elementary School sa Makati City, tumanggap ng mga payong at hygiene kit mula sa RMN foundation

Nagpamahagi ng mga payong at hygiene kit Ang RMN foundation sa halos 200 mga mag-aaral ng San Antonio Elementary School sa Makati City.

Maliban sa mga prizes sa palaro, nagpamahagi rin ng mga food items na handog ng mga women’s organization.

Ayon kay RMN foundation head Carmela Cabatcan, pinili ang mga bata mula sa Grade 4 hanggang Grade 6 mula sa mga indigent family sa paligid ng eskwelahan.


Nagpasalamat naman si Jerry Guanco, Barangay Secretary dahil napili ang kanilang barangay sa nabigyan ng tulong.

Nagpasalamat din si ginang Armida Eugenio, lola ng isa sa mga bata.

Malaki aniya ang tulong ng mga naipamahaging mga payong ngayong panahon ng tag-ulan.

Ito ay bahagi pa rin ng nagpapatuloy na Healthcare outreach ng RMN foundation.

Naging kapartner dito ng RMN foundation ang Ying Lin Foundation.

Nauna nang pinagkalooban ng mga school supplies ng RMN foundation ang mga piling mag-aaral sa Payatas, Quezon City.

Facebook Comments