Puspusan na ang isinasagawang in-house trainings ng mga school divisions ng Ilocos Region na lalahok sa nalalapit na Region 1 Athletics Association Meet o R1AA sa March 10-15 sa La Union.
Isinagawa ang iba’t ibang division trainings ng mga manlalaro upang malinang ang kanilang kakayahan sa competitive na paligsahan ng diskarte, talino, lakas, at galing.
Labing apat na dibisyon ang magpapasiklaban sa iba’t ibang kampeonato ng mga laro, mula sa ball games, board games, athletics, swimming, dancesports at marami pang iba.
Ang mga mananalo naman sa R1AA ay sasabak sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Laoag City, Ilocos Norte sa Mayo.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









