Mga mag-e-enroll ngayon Hunyo, kailangan sagutan ang survey form ayon sa DepEd

Hinikayat ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) ang publiko na sagutan ang survey form kasabay ng pagpapa-enroll sa susunod na buwan.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, na ang nasabing form ay upang malaman kung anong uri o panamaraan nagpatuturo ang akma sa isang bata.

Ito anya ay upang mabigyan ng tama at sapat na tulong ang isang bata habang nag-aaral ito sa susunod na school academic year habang umiiral ang banta ng COVID-19 sa bansa.


Pero, iginiit niya na hindi kailangan pumunta ng physically sa mga paaralan ang isang magulang at bata upang magpa-enroll.

Ito aniya ay pwede nang gawing online o kahit anong pamamaraan basta masunod lang ang social distancing.

Sa aprobadong petsa ng enrollment para sa school year 2020-2021 ay magsisimula ng June 1 hanggang 30, 2020.

Batay sa Learning Continuity Plan ng DepEd meron ito apat na uri ng learning delivery options tulad ng face-to-face, blended learnings, distance learnings, homeschooling at iba pang paraan ng pagtuturo depende sa sitwasyon ng kaso ng COVID-19 sa isang lugar.

Facebook Comments