Mga magagandang aral na itinuro sa Ramadan – sentro sa sermon ng mga Muslim leaders ngayong paggunita ng Eid’l Fitr; Muslim community sa bansa – handang tumulong sa mga otoridad laban sa teroristang Maute

Manila, Philippines – Ipagpatuloy ang aral na itinuro sa Ramadan.

Ito ang binigyan diin ng mga Muslim leaders sa kanilang sermon kasabay ng paggunita ng Eid’l Fitr o hudyat ng pagtatapos ng isang buwan na Ramadan.

Kasabay nito, nilinaw sa interview ng RMN ni Guadalupe, Makati Muslim religious leaders Imam Sadat Tanggote na bagamat i-isa ang kanilang relihiyon, magkakaiba ang pananaw ng bawat isa.


Ayon kay Imam Tanggote – masakit sa kanila ang nangyayari ngayon sa Marawi City na tinaguriang “Islamic City” ng Pilipinas.

Kaya, handa aniya ang Muslim community na makipagtulungan sa mga otoridad upang mapigilan ang anumang balak na paghahasik ng kaguluhan.

Una nang pinulong ng Eastern Police District ang lahat ng mga lider ng Muslim group sa area ng EPD at ilan sa mga kamag-anak ni Omar Maute isa sa mga lider ng terrorist group ang nangako na hindi nila susuportahan ang kanilang mga kaanak na naghasik ng kaguluhan sa Marawi City.

Facebook Comments