Mga magdadala ng patalim, huhulihin din sa checkpoints ng Comelec

Bukod sa pagdadala ng baril, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng mga patalim kapag election period.

Nilinaw ito ng Comelec spokesman James Jimenez, kaugnay ng pagsisimula ng election period bukas kasabay ng pagpapairal ng gun ban.

Una nang nagpa-alala ang Comelec sa mga pulis na dapat nakapwesto ang checkpoint sa lugar na maliwanag at madaling mapansin ng mga motorista.


Nakasulat din anya ng malinaw ang mga katagang Comelec checkpoint, pangalan ng commander at contact number.

Dapat naka-proper uniform ang mga pulis at kung mga barangay tanod man ang tatao, dapat may kasama pa ring pulis na mangunguna sa checkpoint.

Tatagal ang election period hanggang sa June 13, 2019 o isang buwan pagkalipas ng mismong araw ng halalan sa Mayo a-trese.

Facebook Comments