
Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na bantay sarado ang mga pagbiyahe ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Ito ay matapos niyang bumiyahe kahapon patungong Estados Unidos para umano samahan ang kaniyang asawa na sasailalim sa medical procedure.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, malalaman nila ang real time na pagbiyahe ni Bonoan sakaling umalis ito ng Amerika at bumiyahe sa ibang bansa.
Kaugnay niyan, ipauubaya naman ng Justice Department sa gobyerno ng Amerika ang kahihinatnan ni Bonoan sakaling magdesisyon itong hindi bumalik sa Pilipinas sa December 17.
Nilinaw naman ni Martinez na may karapatan pa rin si Bonoan na bumiyahe lalo’t wala pa naman siyang kinakaharap na kaso.
Facebook Comments









