Manila, Philippines – Muling nanawagan ang Palasyo ng Malacañang sa mga makikilahok sa ibat-ibang kilos protesta sa buong bansa na panatiliing tahimik at maayos ang kanilang programa.
Ito ay sa harap narin ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng National Day of Protest kung saan hinikayat ng pangulo ang lahat na makilahok sa mga kilos protesta.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sanay ay mapanatiling maayos ng mga makikilahok sa mga kilos protesta pro man o anti Duterte ang kanilang mga programa para hindi makaapekto sa iba.
Inihayag ni Abella na malaya ang publiko na makilahok sa mga pagkilos dahil isa itong magandang pagkakataon para maipaabot sa gobyerno ang kanilang mga hinaing.
Isa din aniya itong pagpapakita ng pamahalaan na umiiral ang demokrasya sa bansa.
Mga magkikilos protesta, dapat mapanatiling tahimik ang kanilang programa ayon sa palasyo
Facebook Comments