Mga magnanakaw ng kuryente sa Cotabato city, bilang na ang mga araw!

Dahil ito sa ipapatupad na TATSULOK Program.
Sa layuning maresolba ang problema sa pangungupit ng kuryente sa syudad, lumagda sa isang memorandum of agreement ang city government, Cotabato Light and Power Company (COLIGHT) at ang Liga ng mga Barangay para sa kooperasyon ng bawat isa.
Ang salitang ‘tatsulok’ ay kumakatawan sa 3 partido na magsasanib pwersa para labanan ang illegal tapping ng elektrisidad na una nang tinukoy ng COLIGHT bilang pangunahing problema ng kanilang concessionaires na nagbabayad ng tama sa kompanya.
Ang bawat ahensya ay may papel na gagampanan sa programa.
Ang barangay officials ang istriktong magmamanman sa lahat ng electrical lines sa kanilang area at magre-report agad sa colight kung may makikitang illegal tappers, ag COLIGHT ay agad din namang magpapadala ng personnel upang i-check ang mga linya, tanggalin ang illegally tapped wires at i-sanction ang violators.
Ang city government naman ang magsasagawa ng tuloy-tuloy na koordinasyon sa partner agencies nito upang mag-sustain ang programa at kalaunan ay masupil ang nakawan ng kuryente sa lungsod.

Facebook Comments