Mga magpapabakuna sa oras ng trabaho, hindi dapat markahang absent – IATF

Hindi mamarkahang absent ang isang manggagawa na magpapabakuna sa oras ng kanyang trabaho.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque alinsunod na rin sa pinakabagong desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay Roque kinakailangan lamang na makapag-pakita ang isang empleyado ng kanyang confirmed vaccination schedule.


Magsisilbi aniyang valid proof ang medical clearance na inisyu ng government health office at birth certificate.

Kasunod nito, inaatasan ang lahat ng government agencies na bigyang prayoridad ang mga fully vaccinated individuals sa pag-a-avail ng government programs and services.

Facebook Comments