Binantaan ni PBGEN. Joel Orduña ,PNP Regional Director ang mga magtatangkang magpapaputok ng kanilang baril sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon kay Orduña, hangad ng lahat ang mapayapang selebrasyon sa pagsalubong ng bagong taon kung kaya’t apela nito na isumbong sa kanilang himpilan ang mga magtatangkang magpapaputok ng kanilang baril lalong lalo na sa mga nakainom na gun owners na matapang lamang dahil nasa impluwensya ng alak.
Nagsagawa na rin ng Oplan Katok ang PNP sa mga gun owners dahil target nito ang zero indiscriminate firing sa buong rehiyon.
Hindi naman na sinelyuhan ang mga baril ng mga pulis sa rehiyon dahil tiwala ang Regional Director na responsable at naniniwala na gagawin ng mga ito ang pagsunod sa batas.
Samantala, hinikayat ni Orduña ang publiko na kunan ng larawan o video ang mga pasaway na gun owners sakaling magpaputok ang mga ito sa pagsalubong ng bagong taon upang maaresto at makasuhan.
Mga magpapaputok ng baril sa pagsalubong ng bagong taon sa Region 1 binalaan ng PNP
Facebook Comments