Dumagsa kahapon ang maraming magpaparehistro sa ilang registration areas bago mapaso ang extended voter registration sa Sabado, October 30.
Kaniya-kaniyang diskarte ang mga lungsod sa Metro Manila para matugunan ang dami ng tao.
Naglagay ng upuan sa pila ang isang mall sa Makati para hindi magdikit-dikit ang mga tao kung saan hiniwalay ang courtesy lane para sa vulnerable sector.
Habang sa Navotas at Pateros, namamahagi ng numero para makontrol ang dami ng tao at kasamang nagpapatupad ng health protocols ang mga pulis.
Kasabay nito, balak ng Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang bilang ng mga debateng bibigyan ng sponsor para makatulong sa pagdedesisyon ng mga botante.
Gaya ng halalan noong 2016, tatlo pa rin ang presidential debates pero dadagdagan ang dating isa lamang na vice-presidential debates.
Harapan ang mga kandidato pero virtual ang audience dahil sa pandemya.
Maglalabas ng format at guidelines ang Comelec para sa gaganaping debate ng mga kandidato sa halalan 2022.