Mga magpapaturok ng second dose ng COVID-19 vaccine, dadaan pa rin sa screening process – DOH

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na kahit nabakunahan na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 ay kailangan pa ring sumalang sa screening process para sa ikalawang dose.

Kasunod ito ng mga ulat na mayroong nagpapaturok sa second dose na hindi na dumaraan sa screening.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi tama kung may hindi sumusunod sa tamang protocol.


Kailangan aniyang masuri nang mabuti ang babakunaan kung sila ba ay may sintomas ng COVID-19 o kaya ay inatake ng kanilang comorbidities bago sila turukan.

Paliwanag ni Vergeire, maaari lamang hindi na hingan ng impormasyon o “informed consent” kapag nagpaturok ng second dose dahil ‘yun din naman ang inilagay noong unang nagpaturok kontra COVID-19.

Facebook Comments