Mga magreretirong pulis, hinikayat na asikasuhin agad ang kanilang retirement claims bago matapos ang taon

Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Debold Sinas ang mga pulis na magreretiro ngayong taon na ipasa ang kanilang mga retirement claims bago matapos ang Disyembre.

Ito ay upang agad nilang makuha ang pera at hindi na maghintay ng mahabang panahon para iproseso ng Department of Budget and Management (DBM).

Paliwanag ni Sinas, may sobrang pera ang PNP ngayon sa kanilang budget na kung hindi magagastos ay ibabalik lang ito sa DBM pagkatapos ng taon.


Pwede aniyang kunin sa perang ito ang pambayad ng mga retirement claims ng mga pulis para sa taong ito.

Kaya naman ang mga pulis na magpapasa ng retirement claims nang maaga ay agad na mababayaran dahil nasa PNP na ang pera at hindi na kailangan pang i-request sa DBM.

Facebook Comments