Mga magsasagawa ng kilos protesta sa SONA ng Pangulo, mas palalapitin sa Batasan Pambansa Complex

51

Mnaila, Philippines – Kumpara sa nakalipas na taon mas palalapitin ngayon ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang mga magpo-protesta sa Batasan Pambansa Complex.

Ayon kay NCRPO Chief, Police Director Oscar Albayalde – labing lima hanggang dalawampung metro mula sa Batasan Pambansa Complex papayagan makalapit ang mga raliyista.

Isasara aniya ang Sinagtala Road malapit sa Batasan, ito ay para okupahin ng mga nagpoprotesta dito aniya ang magsisilbing mobbile flatroom para sa kanilang programa.

Inaasahan ni Albayalde na aabot sa 12 hanggang 15 libong ang mga magsasagawa ng protesta.

Tiniyak naman ni Albayalde na mahigpit na maipapatupad ang maximum tolerance at pagrespeto sa karapatang pantao.

Katulad aniya ng mga nakagawian bawal magdala ng baril ang mga pulis maging ang pagdadala ng shied at baton ay hindi na rin gagawin ng mga pulis mula sa civil disturbance management unit.

Facebook Comments