Mga magsasaka at mangingisda, binigyang pugay ng Malacañang ngayong Filipino Food Month

Nagbibigay pugay ang Malacañang sa mga mangingisda at magsasaka ngayong pagdiriwang ng buwan ng pagkaing Pinoy.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office nakatuon ang pagdiriwang ng Filipino Food Month sa pagkilala sa mga Pilipinong magsasaka at mangingisda.

Ayon sa PCO, ang mga ito ang nagbibigay pagkain sa bawat hapag-kainan ng mga pamilyang Pilipino kaya dapat lang ialay sa kanila ang buwan ng pagdiriwang ng pagkaing Pinoy.


Kaugnay nito, inihayag din ng PCO na nananatiling pangunahing programa ng Marcos administration ang seguridad sa suplay ng pagkain o food security.

Kasama na rin ang pagpapa-unlad ng agrikultura maging ang pagpapayaman ng lokal na produksiyon ng pagkain katuwang ang iba’t ibang sektor ng lipunan.

Facebook Comments