Manila, Philippines – Kinalampag ng humigit kumulang 200 mga magsasaka at mangingida ang administrasyong Duterte mula sa caraga Region upang iparating sa gobyerno ang kanilang mga hinaing sa Mendiola Manila.
Ayon kay Roger Montero, isang magsasaka, panawagan nila sa Duterte Administration na ihinto na ang Martial Law sa Mindanao dahil sobra na umano ang militarisasyon doon.
Paliwanag ni Montero na marami na ang nawalan ng kabuhayan at mga inosenteng sibilyan ang namamatay dahil sa mga operasyon ng militar.
Ang panawagan nila ay reporma sa agraryo sa halip na Martial Law.
Hinaing ng mga magsasaka ay masyadong ng mataas ang buwis at bayarin bukod dito masyadong mahigpit ang restriction at fishing regulation sa ilalim ng Fisheries Code of 1998.
Ayon kay Montero, magtatagal sila sa kanilang pagkakampo sa Mendiola hanggang September 12 kung saan nais nilang maiparating sa Pangulo ang kanilang mga hinaing.