Pinabibigyan ni Davao City Rep. Paolo Duterte ng ₱15,000 na one time “production subsidy” ang 9.7 milyong mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Nakapaloob ito sa inihain ni Duterte na House Bill 9053 na layuning tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na apektado ng mataas na presyo ng produktong langis at farm inputs tulad ng pataba; paghina ng ekonomiya at mga mga kalamidad sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Kapag naisabatas ay popondohan ng ₱145.5 billion ang nabanggit na Production Subsidy Program sa ilalim ng panukala ni Duterte.
Inaatasan ng panukala ang Department of Agriculture (DA) at ang Philippine Statistics Authority (PSA), katuwang ang mga lokal na pamahalaan na isapinal ang listahan ng mga benepisaryo at isumite sa Kongreso.
Facebook Comments