Tinanggap ng mga magsasaka at mangingisda ng Dagupan City ang tulong para sa kanilang hanapbuhay sa ilalim ng Palay Seeds and Fuel Subsidy ng Department of Agriculture (DA).
Ang mga 139 na Benepisyaryo ay mula sa mga barangay ng Bolosan, Malued, Mamalingling, Mangin, Salisay and Tebeng na pinamahagian ng 60 Hybrid Seeds with Biofertilizer at 90 Certified Seeds.
Nakuha rin ng mga mangingisda ang card na nagkakahalaga ng P3,000 fuel-worth makatutulong para sa kanilang pang langis.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo habang patuloy namang itataguyod ang Agri at Aquaculture sector ng lungsod ng lokal na pamahalaan katuwang ang mga concerned agencies. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









