Pinaghahanda ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa magiging epekto ng Bagyong Odette.
Inaasahan na kasi ang pag-landfall ng bagyo sa bisinidad ng Eastern Visayas at CARAGA ngayong gabi.
Pinakilos na rin ng DA ang mga field office para ipagamit ang mga post-harvest equipment at facilities sa mga magsasaka na magsasagawa ng maagang pag-ani ng mga mature crops para maisalba sa posibleng pagbaha.
Ang mga mangingisda naman ay pinapayuhang mag-force harvest ng mga isda at ilagay sa mataas na lugar ang mga kagamitan at bangkang pangisda.
Sinabi ni DA Asec. Noel Reyes na activated na ang kanilang mga Regional Disaster Risk Reduction Management Operation Center at patuloy na nakikipag-coordinate sa mga Local Government Unit.
Naka-preposition na aniya ang mga binhi ng palay at mais, gayundin ng mga gamot para sa mga alagang hayop.
Nakahanda na rin ang Quick Response Fund ng ahensya para sa rehabilitasyon ng mga lugar na tatamaan ng bagyo.