Hinikayat ng Palasyo ng Malacañang ang mga rice farmers na makibahagi sa pagbabantay sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulation ng Rice Tariffication Act.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, mahalagang maging aktibo ang mga magsasaka sa bubuuing IRR upang makita ng mga ito at matiyak na hindi mapapasukan ng anumang iregularidad ang pagpapatupad ng batas.
Sinabi ni Panelo na kailangang bantayan ng mga magsasaka ang pagbuo ng IRR para narin sa kanilang kapakanan.
Tiniyak din ni Panelo na hindi kailanman kukunsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang klase ng katiwalian sa Pamahalaan at isusulong ang accountability at transparency sa mga ahensiya ng Gobyerno.
Ito naman ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng mga hinaing ng ilang mga grupo na tumututol sa Rice Tariffication Act dahil madedehado anila ang mga lokal na magsasaka dahil sa pagbaha ng mga imported na bigas sa bansa.