Mga magsasaka, makakatanggap na ng tulong mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund  

Matatanggap na ng mga magsasaka ang mga benepisyo mula sa 10 Bilyong pisong pondo mula sa Rice Tariffication Law.

Ayon kay Dept. of Agriculture Regional Director Roy Abaya, sa ilalim ng batas, ang 10 Billion pesos Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay ilalaan sa Farm Mechanization, seedlings, at rice credit assistance.

Ang special allotment release order ay inisyu noong July 18 sakop ang partial release ng RCEF fund na nagkakahalaga ng limang Bilyon piso.


Mula sa nasabing halaga, 2.094 Billion pesos ay ilalaan sa Philippine Rice Research Institutte (PHILRICE), 2.05 Billion pesos para sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH), at ang natitirang isang Bilyon ay para sa extension component ng RCEF Fund.

Sa Oktubre, sisimulan na ang delivery at distribution ng 2.12 Million bag ng certified seeds sa 57 lalawigan at 747 na bayan.

Ang agricultural machinery at equipment para sa mga benepisyaryo at maibibgay sa Disyembre hanggang Pebrero 2020.

Facebook Comments