Tinanggap ng 72 rehistradong magsasaka sa Mangaldan ang tig-P3,000 o kabuuang P216, 000 na halaga ng fuel subsidy cards ngayong Oktubre bilang suporta bunsod ng epekto ng pagbabago sa presyo ng petrolyo.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang kabuuang halaga ay sapat lamang umano sa bilang ng mga benepisyaryo na alokasyon ng Department of Agriculture (DA) sa bayan.
Tiniyak naman ng tanggapan na ibang mga benepisyaryo naman ang makakatanggap sa susunod na distribusyon.
Ipinaalala rin sa mga benepisyaryo ang wastong paggamit ng card upang mapakinabangan nang maayos.
Isinusulong ang Fuel Subsidy Assistance Program sa sektor ng agrikultura upang bigyang suporta at tulong ang mga magsasakang umaaray sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Facebook Comments









