Sinabi nito na importanteng nakarehistro ang isang magsasaka sa RSBSA para makakuha at makasali sa mga programa at benepisyo ng Department of Agriculture (DA).
Kabilang sa mga tulong na ibinibigay ng ahensya sa mga registered farmers ay tulad ng libreng binhi, abono, fertilizer discount voucher, financial assistance, mga gamit sa pagsasaka, at pag-asiste sa pagkuha ng Crop Insurance.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit anim na libong magsasaka pa lamang sa Lungsod ang nakapagrehistro sa RSBSA at sila ay patuloy na tumatanggap ng tulong mula sa mga programa ng gobyerno.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga unregistered farmers na magtungo lamang sa City Agriculture Office para makapag rehistro at malaman din ang iba pang tulong na ibinibigay para sa mga magsasaka.