Naniniwala ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na kailangan nang paghandaan ng lahat ng sektor ang paparating na El Niño sa bansa.
Ayon kay Danilo Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, asahan na raw na maapektuhan ang mga critical areas kabilang ang suplay ng tubig, agrikultura, pagkain, enerhiya, at kalusugan.
Bagama’t sa susunod na buwan pa ganap maramdaman ang El Niño, may mga dry spell at banayad na tagtuyot ang naobserbahan na sa ibang lugar.
Nag-alala na ang mga magsasaka sa tugon at diskarte ng gobyerno sa El Niño.
Dapat umanong magkaroon na ng malawakang information drive tungkol sa El Niño at ang mga posibleng epekto nito sa iba’t ibang sektor.
Kailangan ding malaman ng mga magsasaka at mangingisda ang mga obserbasyon at babala ng El Niño.