MGA MAGSASAKA, NAGSANAY SA PAGGAWA NG CORN SILAGE

Ilang mga magsasaka ang nagsanay sa paggawa ng corn silage o pagbuburo ng mais sa sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung nitong Martes, Setyembre 6, 2022.
Sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Provincial Information Office, nasa 30 magsasaka sa bayan ng Iguig ang sumailalim sa isang araw na training ng paggawa corn silage.

Ayon kay Provincial Agriculturist Pearl Mabasa, ang mga lumahok ay nabigyan ng kaalaman sa pagbuburo ng mais upang maging pagkain ng mga alagang kalabaw, baka, at kambing sa panahon ng tag-araw.

Layunin ng naturang magsasanay na apakinabangan ang mga nasirang mais dahil sa nagdaang bagyong Florita.

Ibinahagi ni Mabasa na simple ang lang proseso ng corn silage.

Ang mga nasirang mais dahil sa bagyo ay gagamitan lamang ng chopper, ilalagay sa matibay na plastik, iba-vacuum ang hangin para hindi masira at i-stock lamang ng tatlong o higit pa.

Ang bagyong kaalaman ng magsasaka ay maaari rin nilang pagkakitaan dahil pwede nilang ibenta ang mga nagawang corn silage bilang pagkain ng mga hayop.

Magkakaroon din ng parehong pagsasanay sa mga bayan naman ng Aguiray at Amulung.

Bukas rin ang Cagayan Farm School para sa lahat ng corn farmers na nais matututo sa pagbuburo ng mais.

Facebook Comments