Mga magsasaka, nakapagbenta ng ₱2.5 milyong halaga ng sibuyas dahil sa Kadiwa project sa loob ng 4 na buwan

Dahil sa ipinatupad na Kadiwa store program ng Marcos administration ay nakapagbenta ang mga magsasaka sa bansa ng ₱2.5 milyong halaga ng sibuyas.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil sa harap ng target ng pamahalaan na tumaas ang income ng mga magsasaka at mga mangingisda sa bansa.

Inatasan daw ng pangulo ang Department of Agriculture (DA) na magkaroon ng direktang ugnayan sa mga food producer hanggang sa mga consumers at institutional buyers para maalis na ang mga middlemen na nakakapagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Dahil dito, batay sa tala ng Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) ng DA aabot sa halagang ₱2.5 milyong halaga ng sibuyas ang naibenta sa mga food producer hanggang sa mga consumer.

Mahigit ₱755,000 dito ay pulang sibuyas na aabot sa mahigit 3000 kilo habang mahigit 5,000 kilo ng puting sibuyas o nagkakahalaga nang mahigit ₱1.8 milyon.

Ito ay mula September 2022 hanggang January 24, 2023 na.

Ayon pa kay Garafil, tumulong rin ang DA-awarded Kadiwa trucks at van para makapagbenta sa mga palengke.

Facebook Comments