Hindi pa rin mapigilan o masawata ang lugi na nararanasan ng ilang magsasaka.
Ito ay dahil sa importasyon at pagpapababa ng taripa.
Ayon kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairman Engr. Rosendo So, nakadagdag din ang mataas na production cost.
Samantala, nakaantabay din ang petisyon ng grupo sa Tariff Commission upang muling taasan ang taripa sa 35%.
Dahil dito, pahirapan ang ilang magsasaka na makabawi sa kanilang gastos sa pagtatanim.
Sa Pangasinan, pahirap din sa mga magsasaka ang presyo ng palay, kung saan sumadsad na ito ng hanggang 10 pesos kada kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









