MGA MAGSASAKA NG BRGY. MANGIN NG DAGUPAN CITY, BENEPISYARYO NG PALAY SEEDS

Benepisyaryo ng mga hybrid seeds o palay seeds ang nasa siyamnapu’t anim na magsasaka mula sa Barangay Mangin sa lungsod ng Dagupan mula sa programa ng Department of Agriculture sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Nasa kabuuang bilang naman na isang daang sako ng nasabing palay seeds ang naipamahagi at nagkakahalaga ng halos limang daang libong piso.
Matatandaang nauna nang napamahagian ng mga certified palay seeds mula DA-Philrice ang mga barangay ng Bonuan Boquig, Malued, Tebeng, at Salisay sa Dagupan City.

Samantala, nagpapatuloy ang tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Dagupan, katuwang ang tanggapan ng ikaapat na distrito ng Pangasinan sa nangungunang ahensya ng DA na may layong mas mapabuti pa ang lagay ng agrikultura sa nasabing lungsod at ang adhikaing food security ng Nasyonal na Gobyerno. |ifmnews
Facebook Comments