MGA MAGSASAKA NG PALAY SA BAYAMBANG, SINANAY SA FINANCIAL MANAGEMENT

Dalawampu’t limang lokal na magsasaka ng palay sa Bayambang ang nagtapos sa isinagawang Training on Financial Management and Organizational Strengthening for Rice-Based Enterprises ng Department of Agriculture-PhilRice at Agriculture Training Institute.

Layunin ng programa na palalimin ang kaalaman ng ‘RiceBIS’ community sa tamang pamamahala ng pondo at pagpapatatag ng kanilang organisasyon upang mapabuti ang operasyon ng kanilang rice-based enterprises.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na ang naturang pagsasanay ay mahalagang hakbang upang higit na mapalakas ang mga rice-based enterprises sa komunidad at inaasahang maipagpapatuloy ng iba pang mga susunod na miyembro ng kanilang samahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments