Nadagdag sa listahan ng mga unang makakabili ng P20 bigas sa La Union ang mga magsasaka ng palay at manggagawa sa bukid na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
Available ang murang bigas sa mga itinalagang bodega ng National Food Authority sa lalawigan at maaaring mabentahan ang mga rehistradong benepisyaryo sa pagpresenta ng kanilang RSBSA ID, QR code at valid ID.
Limitado sa sampung kilo sa isang buwan ang mabibili ng bawat benepisyaryo at pinapahintulutan din ang pagbili ng 50kilos o limang buwan na alokasyon sa isang bilihan.
Hinihikayat naman na kunan ng litrato ang resibo bilang patunay at magdala ng eco bag para sa bibilhing bigas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









