Mga Magsasaka ng Rehiyon Dos, Bibida sa Nakatakdang National Awards ng Gawad Saka

Pito sa dalawampu’t tatlong kategorya sa 2017 Gawad Saka Search for Agricultural Achievers ang nakopo ng mga magsasaka mula sa Rehiyon Dos.

Mula sa pito ay lima ang mula sa lalawigan ng Isabela samantalang dalawa ay mula sa lalawigan ng Cagayan.

Ang bilang na ito ay siyang pangalawang pinakamarami na nakuha ng rehiyon mula sa siyam na nakamit nito ilang taon na ang nakakaraan.


Matatandaan na ang Cagayan Valley ay minsan ng ginawaran ng DA ng Gawad Saka Champion Advocate sa dami ng mga pinanalunan na awards sa nasabing patimpalak.

Sa kalatas na inilathala ng kagawaran ng Agrikultura Rehiyon Dos, ipinagbubunyi ngayon ng DA-Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Sugar Regulatory Administration (SRA), Agricultural Training Institute (ATI), mga lokal na pamahalaan, Agriculture and Fishery Councils (AFC) at ng pribadong sektor ang tagumpay na ito.

Sa memorandum na galing sa DA-Central Office, ang mga sumusunod ay mga national awardees mula sa rehiyon:

1. Outstanding Corn Farmer – Mr. Felix G. Ancheta, Buena Suerte, Cauayan City, Isabela;
2. Outstanding Sugarcane Farmer – Mr. Richard B. Biraquit, Sto. Domingo, Piat, Cagayan;
3. Outstanding Small Animal Raiser – Mr. Wilfredo G. Britanico, Saranay, Cabatuan, Isabela;
4. Outstanding Large Animal Raiser – Mr. Charlemagne P. Acierto, Sampaloc, Cabatuan, Isabela
5. Outstanding Rural Improvement Club – Sto. Domingo RIC Sto. Domingo, Alicia, Isabela;
6. Outstanding Fisherfolk Culture – Ms. Vivian N. Taniza Victoria, San Mateo, Isabela; at
7. Outstanding Municipal/City Agricultural and Fisheries Council (FARMC) – Gonzaga MFARMC, Gonzaga, Cagayan

Ang National Awarding ay gaganapin sa October 25, 2017 sa palasyo ng Malakanyang.

Ang mga awardees ay inaasahang tatanggap ng cash awards at plaque of appreciation mula sa mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Kalihim Emmanuel F. Pinol.

Kaugnay dito ay ibinibida ngayon ng DA-Region 02 sa panunguna ni Regional Director Narciso Edillo ang nakuhang pagkilala ng mga magsasaka galing sa Rehiyon Dos.

Facebook Comments