Nangangamba ang Young Farmers Challenge Club of the Philippines, Inc. na malugi na naman ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa importasyon.
Ayon kay YFCI President Elvin Laceda, umaabot sa ₱400,000 hanggang ₱500,000 ang puhunan ng mga magsasaka sa kada ektaryang taniman ng sibuyas.
Sasabayan na nga ng importasyon ang anihan, kung pepestehin pa ng harabas ay lalong walang matitira.
Samantala, maraming magsasaka ngayon ang napilitang anihin nang mas maaga ang kanilang sibuyas dahil sa importasyon.
Ang mga maaaning sibuyas, ibebenta ng grupo sa Pasay at Quezon City sa halagang ₱300 kada kilo na mas mura sa ₱400 to ₱450 na presyuhan nito sa mga palengke.
Facebook Comments