Mga magsasaka, ramdam na ang tumataas na presyo ng palay ayon sa DA

Ikinagalak ng mga magsasaka ang mataas na farmgate prices ng palay ngayong panahon ng dry season.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, pinakamataas na farmgate price ng dry palay na may 14% moisture content ay naitala sa huling linggo ng Abril sa Northern Mindanao (Region 10), sa presyo na ₱25.35 kada kilo.

Sabi pa ng kalihim, bukod sa Region 10, tumaas ang average farmgate prices ng dry palay sa anim na rehiyon ng mahigit sa ₱20 kada kilo.


Ito ay sa Region 5 na tumaas ng ₱20.25 kada kilo; Region 1, ₱20.30 /kilo; Region 2, ₱20.65 /kilo; Region 7, ₱21.00 kilo; Region 12, ₱21.50 at Region 11 na may farmgate price na ₱22.93 /kilo.

Pinakamababa namang presyo na ₱17.58 kada kilo ay naobserbahan pa sa Western Visayas sa Region 6.

Aniya, kumpara sa presyo noong nakalipas na taon ang mga figure ngayon ay maaaring manipestasyon ng normalisasyon ng industriya ng bigas.

Base sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang national average ng presyo ng dry palay ngayon ay nasa ₱19.91 per kilogram habang ang fresh palay ay naibebenta sa halagang ₱17.22/kada kilo.

Facebook Comments