
Pinalakas ang kaalaman ng mga magsasaka sa Alaminos City sa makabagong pamamaraan ng pagsasaka sa pamamagitan ng programang Adaptive Balance Fertilization Strategy for Rice na ipinatupad sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng Department of Agriculture – Bureau of Soil and Water Management.
Layunin ng inisyatiba na mapabuti ang produksyon ng palay sa pamamagitan ng mas epektibo at balanseng paggamit ng pataba batay sa kondisyon ng lupa, upang mapanatili ang de-kalidad na ani at mas mataas na kita ng mga magsasaka.
Sa isinagawang aktibidad, tinalakay ang tamang pamamahala ng sustansya sa lupa, pagsusuri ng soil condition, at iba pang makabagong teknik na makatutulong sa mas sustenableng pagsasaka.
Dumalo sa programa ang mga kinatawan ng tanggapan ng agrikultura, mga opisyal ng barangay, at mga benepisyaryong magsasaka na inaasahang magsisilbing katuwang sa pagpapalaganap ng naturang teknolohiya sa kani-kanilang komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










