Nakatanggap ng tulong pinansyal ang Guardian Farmers Luzon Association (GFLA) mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layunin ng programa na makatulong sa mga magsasaka ng Asingan na madagdagan ang kanilang puhunan at mapalago ang lokal na produksyon ng gulay at iba pang pananim.
Ayon sa ulat ng Asingan PIO, naglaan ng ₱500,000 ang ABONO Party List bilang suporta sa inisyatibong ito.
Itinuturing ng lokal na pamahalaan na malaking tulong ang nasabing programa sa pagpapabuti ng ani at kabuhayan ng mga magsasaka sa bayan.
Facebook Comments









