Tinanggap ng mga magsasaka sa bayan ng Natividad ang tulong pinansyal na nagmula sa Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Rice Competitive Enhancement Fund – Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) Program.
Nasa 1, 397 ang kabuuang bilang ng ng mga magsasakang benepisyaryo ng nasabing financial assistance na may halagang limang libong piso kada tao.
Ang programang ito ay ibinibigay sa mga kabilang sa RSBSA at nagsasaka ng mga palayang may lawak na 2 ektarya pababa.
Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga magsasakang apektado ng rice importation. |ifmnews
Facebook Comments