Napapakinabangan na ng mga magsasakang miyembro ng Malinao Dam Federation of Irrigators Association (MADFIA), Inc. sa Bohol ang four-wheeled tractor at two rice combine harvesters galing sa Agricultural Competitive Enhancement Fund (ACEF) Lending Program ng Department of Agriculture (DA) at Land Bank of the Philippines (Landbank).
Ayon kay MADFIA President Kim Doroy, malaking tulong sa mga magsasaka ang mga bagong makinarya dahil mapapagaan nito ang kanilang trabaho.
Ang nasabing mga makinarya ay mula sa 4.9 milyong pisong pondo ng Landbank sa ilalim ng ACEF Lending Program.
Magagamit ito ng 4,963 magsasaka mula sa 17 irrigators na miyembro ng MADFIA.
Maliban sa mga magsasaka sa Bohol, tumutulong din ang MADFIA at Landbank sa pamamagitan ng ACEF Lending Program sa iba pang asosasyon sa probinsya.
As of June 30, 2020, nakapagpalabas na ang Landbank ng kabuuang 2.5 bilyong piso sa 19,367 eligible borrowers sa buong bansa.
Para sa iba pang impormasyon sa programa, bumisita lang sa pinakamalapit na Landbank lending center o branch nationwide o tumawag sa (02) 8-405-7000.