MGA MAGSASAKA SA BRGY. VILLA CONCEPCION, PINAALALAHANAN

CAUAYAN CITY- Dahil panahon muli ng anihan, nagpaalala ang pamunuan ng Brgy. Villa Concepcion sa mga corn farmers sa lugar.

Sa panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay Homer Dela Cruz, tuwing panahon ng anihan ay may mga naitatala silang insidente ng nakawan kung saan kaban-kaban na mais ang tinatangay ng mga kawatan.

Aniya, upang maiwasang maulit muli ang ganitong klase ng insidente ay magtatalaga ng mas mahigpit na seguridad sa lugar.


Dagdag pa niya, pagsapit ng alas 10 ng gabi ay paparahin ang mga behikulong pumapasok sa kanilang lugar upang masiguro na hindi makakasalisi ang mga kawatan.

Facebook Comments