MGA MAGSASAKA SA IKAANIM NA DISTRITO NG PANGASINAN, BENEPISYARYO NG FERTILIZER DISCOUNT VOUCHER

Nauna nang napagkalooban ang mga magsasaka sa ilang bayan sa ikaanim na distrito ng Pangasinan ng Fertilizer Discount Voucher sa ilalim ng National Rice Program ng Department of Agriculture.
Kabilang sa mga magsasakang benepisyaryo nito ay mula sa mga bayan ng Tayug, San Nicolas, Natividad, Umingan, Rosales, at Balungao.
Pinangunahan ang nasabing distribusyon ng tanggapan ni 6th Dist. Rep. Congresswoman kasama ang ilang kawani ng mga lokal na pamahalaan ng bayan na patuloy naman ang pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Agrikultura upang maging tuloy tuloy ang pagpapaabot sa mga magsasaka ng lalawigan ng tulong.

Layon din nitong makabawas sa dagdag gastusin ng mga magsasaka lalo ngayon at nagmamahalan ang mga presyo ng pataba maging ang mga farm inputs na kinakailangan sa kanilang pagsasaka. |ifmnews
Facebook Comments