MGA MAGSASAKA SA IKAAPAT NA DISTRITO NG PANGASINAN, TUMANGGAP NG WATER PUMPS MULA SA NIA SA KABILA NG NARARANASANG EL NIÑO

Matagumpay na tinanggap ng mga kabilang sa Irrigators Association ng National Irrigation
Administration- Pangasinan ng mga water pumps bilang sagot sa kanilang kinakaharap ngayong El Niño Phenomenon.
Kabuuang animnapu’t isang (61) water pumps ang tinaggap ng nasa tatlumpu’t pito (37) na mga magsasaka o kabilang sa Irrigators Association sa ilalim ng NIA-Pangasinan.
Nagmula ang mga magsasakang ito sa mga bayan ng Manaoag, Mangaldan, San Jacinto, San Fabian at Dagupan City.

Pinangunahan ang naturang distribusyon ng water pumps ng mga kawani ng NIA-Pangasinan, Office of the 4″ District, LGU- Dagupan at marami pang iba.
Ginanap ang nasabing distribusyon sa Brgy. Bonuan Binloc, Lungsod ng Dagupan kung saan patuloy itong programa ng ahensya upang matulungan ang mga magsasakang lubhang nangangailangan ng patubig sa kanilang mga sakahan bunsod ng tagtuyot. |ifmnews
Facebook Comments