Nasa 6.8 million worth na agri support ang natanggap ng mga magsasaka sa Ilocos Sur.
Ang ilan sa ipinamahagi sa mga magsasaka sa Ilocos Sur ay ang mga input intervention tulad ng foliar spray fertilizer, partikular na ang bio-cozyme, N.E.B, carrageenan, at amino plus.
Ito ay ipinamahagi upang maserbisyuhan ang higit sa 27 ektarya ng rice land sa 23 munisipalidad ng District 2.
Limang asosasyon tulad ng Calao-an Farmers and Fisheries’ Association, Ranget Bileg Farmers’ Association, Sibsibbu Rang ay Association Inc., Lancuas AMIA Integrated Farming Association, at Kallumsing Rangtay ti Panagrang-ay Association – kasama ang lokal na pamahalaan ng Cervantes – nakatanggap ng dalawang unit ng pump at engine set, isang multi-cultivator, tatlong hand tractors, at isang hauling truck.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ni Ilocos Sur 2nd District representative, Hon. Kristine Singson Meehan. |ifmnews
Facebook Comments