Benepisyaryo ng naipamahaging hand tractors at mga binhi ang mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan.
Nasa higit dalawang libong Hybrid Corn Seed ang natanggap ng walumpong farmers association at tatlong tanggapan mula sa tatlumpu’t tatlong bayan at tatlong lungsod mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Naibigay din ang walumpo’t tatlong mga hand tractors na malaking katulungan ng mga magsasaka para mas mapagaan ang trabaho sa parang.
Umabot naman sa 25 milyong piso ang halaga ng mga makinaryang naipamahagi sa mga benepisyaryo.
Binigyan diin ni Vice Gov. Lambino sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng sektor sa pagsasaka bilang pangunahing pundasyon para sa ekonomiya ng lalawigan.
Nagpakita rin ng suporta ang ilang kawani ng mga katuwang na ahensya sa nasabing pamamahagi. |ifmnews