Umaaray ang ilang magsasaka sa Mangaldan, Pangasinan, dahil sa mababang ani ng palay na dulot ng sunod-sunod na bagyo at pagdami ng peste.
Sa Barangay Lanas, bumaba ang dami ng naaning palay at ibinaba rin ang presyo nito, mula P10 hanggang P11 kada kilo para sa basang palay, at P14 naman para sa tuyong palay.
Ayon kay Berting Carbonal, Peace and Order Officer ng barangay, reklamo ng mga residente ang kakarampot na kita mula sa kanilang ani.
Batay sa tala ng Mangaldan Municipal Agriculture Office, bumaba ang produksyon ng palay sa bayan mula limang tonelada kada ektarya tungong tatlong tonelada na lamang.
Tiniyak naman ng ahensya na sapat pa rin ang suplay ng bigas para sa mga residente sa kabila ng pagbaba ng ani.
Facebook Comments









