Patuloy na sinusuportahan ng gobyerno ang mga magsasaka sa bayan ng Mangaldan kung saan iba pang programa ang inilulunsad para sa pagpapalakas pa ang sektor na kanilang ikinabubuhay.
Nito lamang ay nakatanggap ang mga magsasakang miyembro ng Masigasig Alitaya Farmers Irrigators Association, Inc. sa Barangay Alitaya ng makinarya at farm inputs mula sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform.
Nasa 1.5 milyong piso ang kabuuang halaga ng mga naipamahaging kagamitan sa pansaka kung saan makakatulong para maibsan kahit papaano ang nagagastos ng mga magsasaka pagdating sa kanilang pagtatanim.
Samantala, naglalayon ang pamamahaging ito na maitaas pa pa ang produksyon at kita ng mga magsasaka buhat ng pagtaas ng gastusin at pangangailangan sa pagsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









