MGA MAGSASAKA SA NATIVIDAD, TUMANGGAP NG KABAYARAN SA MGA NAPINSALANG PANANIM

Tinanggap ng mga apektadong magsasaka sa Natividad ang kabayaran sa mga napinsalang pananim mula sa pinsalang idinulot ng mga peste, sakit sa pananim, at mga nagdaang bagyo.

Ang naturang kabayaran o indemnity cheques ay mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) mula sa mga inihain na halaga ng pinsala ng mga rehistradong magsasaka.

Sakop ng insurance ang proteksyon sa mga magsasaka laban sa kalamidad at iba pang pinsala na tinamo ng mga pananim.

Kaugnay nito, hinikayat din ang iba pang rehistradong magsasaka na ideklara sa insurance ang kanilang pananim upang maprotektahan laban sa posibleng pinsala sa hinaharap.

Facebook Comments